Masayang Survey

For a change, I’m answering a survey which I got from Meeya, who got it from Abby. :D  For the record, I’m answering this at 12:36 am of Tuesday. 

Ano ang iyong almusal kanina?

Masarap na cassava na bigay ng friend kong si Bet-Bet (Hi Bet!  Ubos na sa wakas!). 

Ikaw ay may itlog — nilagang itlog. Paano mo ito kakainin?

Siyempre, babalatan ko muna at bubudburan ng asin.  Mas gusto ko na hindi super hardboiled ang yolk. 

Ano ang paborito mong local na junkfood?

Cheese Clover Chips, Nova cheese flavor at Lapid’s Freshly Popped Chicharon (hindi yung kung sinu-sinong Lapid lang ha!)

Ikaw ay kinuhang TOP CHEF sa isang engrandeng pagtitipon. Ano ang iyong ihahain sa mga bisita? (Note: Ang mga pagkain na ihahain mo ay ang mga alam mong lutuin. Bawal magsinungaling)

Naku, baguhan pa lang ako sa pagluluto kaya yun na lang mga nailuto ko na ang ihahain ko…


Appetizer:  Tatlo ang ihahain ko – Manggang Hilaw at Bagoong, Lapid’s Freshly Popped Chicharon,  Steamed Suaje with vinegar/sweet chili dip

Soup:  Tinolang Manok

Main course:  Steamed Lapu-Lapu with Mayo Dip at Chicken & Pork Adobo with Garlic Fried Rice

Dessert:  Leche Flan and store bought ready to bake Pillsbury Smores cookies topped with Vanilla Ice Cream na store bought din siyempre. :D 

Kung ikaw ay makakain sa restaurant ngayon din, saang restaurant ka pupunta at bakit?

Simple lang, sa Spiral ng Hotel Philippine Plaza.  Nandun na lahat!
 

Saang restaurant mong gusto makapunta, pero di ka lang nakakarating pa?

Wala akong maisip na chichi resto located somewhere exotic…sa Heat na lang ng Edsa Shangri-la. :D
 

May pizza sa harap mo. Ano ang ayaw mong makitang topping sa pizza mo?

Onions at kahit na anong kulay ng pepper…ayaw ko lang makita, pero pag nandun na edi sige, kainin ko na rin. :D
 

Ano ang madalas mong orderin sa Jollibee?

2-pc chicken joy forever! :D   Takaw!
 

Paano magluto ng Sinigang? Marunong ka ba?

Kung two months ago ako tinanong nito, hindi ako makakasagot.  Ngayon, mayabang na ako!…

Pork Sinigang:  Igisa ang bawang at sibuyas.  Ilagay ang karne at hintaying mag-iba ng kulay (from red to pale boiled look).  Ibuhos ang tubig at hintaying lumambot ang karne.  Pag malambot na, ilagay ang Knorr Sinigang Mix.  Isunod ang kamatis at mga gulay at lagyan ng patis pampalasa.

Sinigang na Hipon:  Igisa ang bawang at sibuyas tapos ibuhos ang tubig.  Ilagay ang sinigang mix.  Isunod ang kamatis at mga gulay.  Pag malapit na maluto ang gulay (o kahit luto na siguro!), ilagay na ang hipon (madali kasi maluto ang hipon! para hindo maovercook) at patis pampalasa.  (Ito ang ulam namin kaninang tanghali)
 

Ikaw ay may fried chicken sa harap mo. Ano ang dapat niyang kapartner para masarap ang kain?

Kung lutong bahay, ok na ang ketchup.  Kung nasa KFC ako, gravy at mashed potato.  Kung McDo at Jollibbee, gravy pa rin.
 

Kumakain ka ba ng dinuguan? Alam mo ba kung saan ito gawa?

Oo, love ko ang dinuguan!  Pero ayaw ko ng maasim at sa mapagkakatiwalaan na nagluto lang dapat manggaling.  Hehe.  Dapat me kasamang putong puti (yung nabibili sa DEC o yung Calasiao puto) at hindi yung special puto ng Goldilocks.  Alam ko kung saan ito gawa pero wala akong pakialam. :D 

Ano ang sagot niyo sa mga tanong na ito?  Share naman! :D


About The Author

Comments

5 Responses to “Masayang Survey”

  1. abbyG. says:

    wow, parang gusto ko ng steamed lapu-lapu.
    re sinigang, i’ve read a lot of answers to this survey and aliw na andaming version ng sinigang pero iisa pa din ang lasa. :)

    You’re right, Abby! Basta me Knorr sinigang mix, kahit ano ang ilagay mo sa pot, ganon pa rin ang lasa! :D This sure was fun! At bibili ako ng lapu-lapu when I go to the Asian market this week. ;)

    Reply

  2. chinois97 says:

    Weng, I wanted to answer the questions but I later realized na puro pagluto lang siya… so pass na ako. Next list please : )

    Keith, it’s not all about pagluluto except the bit about sinigang and what you’re going to prepare if you were appointed “Top Chef” (hindi naman kailangang gourtmet food no!). Sige na, try mo sagutin! :D

    Reply

  3. Meeya says:

    i linked up your answer to mine :)
    namulat ako, at ngayon ko lang nalaman na pwede palang i-gisa ang sinigang. hmmm. ma-try nga minsan :D

    Come to think of it, baka mali nga siguro ang ginagawa ko ano? Pero tulad nga ng sabi ni AbbyG, in the end lasang sinigang pa rin naman! :D Parang nakaprogram na kasi ang utak ko na pag me bawang at sibuyas, gisa muna. Hee hee! Sige, try mo…huwag mo lang sunugin ang bawang! :D Thanks for linking my answers to yours! Mmmwah!

    Reply

  4. Manila Mom says:

    MrsPartyGirl pointed me here kasi nakalagay dun sa gusto kong puntahan na resto ang spiral, at expert ka raw sa spiral. So I take it that you would recommend it for our next special family dinner? Our youngest daughter’s bday is coming up next month. Btw, our fave buffet is Dad’s Ultimate Buffet – medyo matakaw ang pamilya ko, hehe.

    Hi Manila Mom! Thanks for dropping by. :D Naku, I truly love love love Spiral. I would really recomment it for your special family dinner next month. I posted an entry about our first and only visit to Spiral http://munchkinmommy.wordpress.com/2007/02/13/spiral/. I don’t know if they raised their prices since we last ate there in Feb. But one thing’s for sure, Friday and Saturday lunch and dinner is slightly more expensive than Sunday-Thursday. :) Don’t forget to make a reservation and if it’s for dinner, be sure to be there early, say 7pm so you can savor the experience. You need a lot of time to enjoy everything so you’ll have to rest in between plates. Hee hee. And don’t eat merienda! If you’re going there for lunch, just have coffee for you and milk for your kids and maybe a slice of bread. Ha ha!. Pero I would suggest go for dinner. Hay, as you can see, I can get very passionate when I talk about food. :) O siya, I hope to read about your Spiral experience. Hindi ako mapapahiya sa pagrecommend nyan sa ‘yo! Inggit ako! Waaaaaah!

    Reply

Leave a Reply

CommentLuv badge